Ang Mapusok at Maanghang na Cotabateno

Thanks to Hannah Corpuz for sharing this article to Letters to Mindanao.  Loosely translated as The Reckless and Fiery Cotabateno, she writes about how growing up in Cotabato City has made her typically cocky, adventurous, domineering and loud to a fault. 

True enough, we grew up in Cotabato amidst the backdrop of unrelenting kidnappings, extrajudicial killings, indiscriminate bombings, gang wars cum clan wars, and really dirty politicking.  But surprisingly, we survived all these as many others who have stayed in the city, seemingly unscathed physically but jaded and desensitized in our collective psyche.

Read through and understand how soul food like the spicy Sinina, a local Maguindanaoan favorite has made Cotabatenos cope with a life that is “nasty, brutish and short”.

Ang Lungsod ng Cotabato ay isa sa mga sinasabing high security risk na lugar sa buong Pilipinas. Normal dito ang makasalubong ng checkpoint, military base camp, o maya’t maya makakita ng high-powered fire arms na nakasugbit sa mga balikat ng mga sundalo at private army na kadalasan nama’y bitbit ng mga politiko. Madalas naisasalarawang matapang at matigas ang mga taga rito.

Madalas din napapagtawanan ang punto ng mga Cotabateno. Kasing tigas daw ng bala ang salita na kahit matagal nang babad sa tagalog Maynila ay ipinipilit pa rin ang pananalita nya. Ito kasi ang melting pot sa Kalagitnaang Mindanao kung kaya’t ang salita ay bagamat Tagalog, hinahaluan ng mga salitang Cebuano at Ilonggo sinamahan pa ng matigas na punto ng Bisayang Davao at Maguindanaoaon. Lumabas na kakaiba ang tunog ng mga salita na sadyang sa Cotabato lang naririnig — matigas at malakas.

Ngunit, kahit anong tapang ng dating ng mga tao rito ay sya rin namang hilig nya sa pagkain. Dito makikita ang pinagmamalaking sugpong malalaki at matatamis, bagong huling mga isda at alimangong mas marami ang taba kaysa sa laman. Nilalagyan ng gata at sili ang mga ito para labis ang gana ng lahat kumain. Dahil sa kakulangan ng mga mapasyalan lugar, sa mga hapag kainan dinadala ng bawat isa ang pagkahilig nya sa good food at the good life.

Malimit na nauugnay ang anghang at gata sa pagkaing ng Bicolandia. Lingid sa kaalaman ng nga taga-Luzon na sa kanayunan ng Gitnaang Mindanao at sa Lungsod ng Cotabato ay sagana sa punong niyog.  Ang mga taga Cotabato ay may angking hilig din sa sili. Marahil dahil na rin sa matinding pagkagusto ng Cotabateno sa anghang kaya’t nilalarawang mapusok ang damdamin ng mga taga rito.

Nananatiling negatibo ang imahe ng aking mahal na lupang sinilangan kahit sa mga kapwa nyang Pilipino. Nung isang araw lang, tinanong ako ng taxi driver kung anong probinsya ko. Cotabato po, sagot ko.  Magulo sa inyo, deklara nya.  Tinanong ako kung Muslim ako at kung ilang beses binobomba ang lungsod. Gusto ko mang sabihin na hindi nagtitinikling sa bala ang mga tao roon, ako’y ngumiti na lang.

Negatibo man ang tingin nila, hinding hindi ko kinakahiyang maanghang ang kinakain ko at mapusok ang damdamin ko dahil ako’y isang Cotabateno.

Sininang Kambing
Lutong Cotabateno

Mga Sangkap:

Kalahating Kilong Kambing
Nahalong palapa (pinatuyong niyog na
may halong pinatuyong sili. Ito’y nabibili
sa mga palengke ng Cotabato at karatig
na bayan)
Kalawag o Luyang Dilaw
Gata
Tanglad
Siling Haba
Asin (naayon sa panlasa)

Sa isang lalagyan, haluin ang kalahating palapa sa kambing.
Gisahin ang kalawag, tanglad at natitirang kalahating palapa sa kawali upang palabasin ang lasa at aroma nito.
Ilagay ang hinalong kambing at palapa.
Sa malakas na apoy, haluin sa kawali ng isang minuto.
Ilagay ang gata at pakuluin.
Hinaan ang apoy kapag kumulo.
Lagyan ng asin at siling haba naayon sa panlasa.
Malakalipas ang 15-20 minuto, lalabas
ang langis ng katas ng gata. Luto na ito.

Tandaan: Mas masarap ang pagkaing hinaluan ng pagmamahal.

Follow Hannah in Twitter @AkoToSiPhoebeC

2 comments on “Ang Mapusok at Maanghang na Cotabateno

  1. jhonlor says:

    wow thats verry delicious sininang kambing i will cook that

  2. wow verry delicious sininang kambing i will cook that

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s