Honored

The Philippine Business for Social Progress – Enterprise Development Group held last Tuesday a forum  for SMEs (that’s small, micro and medium enterprises) on how to make their business operations more eco-friendly.  The same event also honored PBSP’s Volunteer Advisors (VA) under its Business Advisory Program.  I have been a VA for PBSP for some time already, making myself available for small enterprises that need support in the areas of Service Marketing, Customer Service,  Business Planning and Strategic Management.

As an aside, and for you to better appreciate why SMEs are important to the national economy, read today’s A View From Taft column in BusinessWorld written by Aida Velasco of DLSU.  In summary, “SMEs comprise more than 96.6% of all registered establishments in the Philippines (NSO, 2002). Ninety percent of business establishments are micro industries, and 59% are engaged in wholesale and retail businesses. Only 2,984 or 0.4% are classified as big businesss, and 43% are in the manufacturing sector”.  This figure alone tells us that the SMEs are the real engine of commerce, supplying big business and houselholds alike and employing a large number of people at the same time.  Unfortunately, the SMEs are also the least supported sector.  They lack skills, technical know how and capital among many other support mechanisms.

I am sharing below the speech I gave that afternoon, as a response to the recognition PBSP conferred to its volunteer advisors.  Taking inspiration from President Noynoy Aquino’s inaugural speech and SONA, I also prepared my speech in Filipino.  Here you go:

Bagsik ni Ondoy, Tapang ng mga VA, Tibay ng PBSP, at Syempre, Tagumpay ng mga Maliit na Namumunuhan

Magandang hapon po sa inyong lahat.

Buong galak po naming tinatanggap ang karangalan na iginawad sa amin ngayon ng PBSP.  Sa ngalan ng mga kasamahan kong VA, maraming salamat po.

Noong una kong tinagpo ang mga kababaihan ng Women for Progress of Nagpayong Multi Purpose Cooperative (see previos post) para sa isang strategic planning session sa Intramuros, malakas na ang ulan noon.  Medyo nahuli sila ng dating kasi bumaha na sa ibang parte ng Kamaynilaan, at mahirap na din humanap ng masakyan patungong Manila.

Pagkaraan ng ilang linggo, para naman sa aming follow up session, nakatakda kaming magkita sa kanilang lugar sa Nagpayong, Pasig.  Lingid sa aming kaalaman, iyong araw na din yon pala ang nakatakdang pagdating ng mabagsik na si Ondoy.

Syempre pa, na-stranded kami sa daan- ako, si Weng at si Edwin ng PBSP.  Bago pa man lang kami makarating sa Nagpayong, nakatanggap na kami ng tawag mula sa coop na nagsabing huwag na kaming tumuloy.  Hanggang bewang na po daw ang tubig.  Kaya naman bigla din kaming nag U-turn.  Madami na kasi kaming nadaanang mga kalsada na lubog na sa baha.  Madami na din kaming alternate routes na sinubukan.  Nakikinig man kami sa radio noong mga panahon na iyon, pursigido pa din kaming makarating.  Sige lang…sabi namin…makakarating din tayo.

Hindi po kami nakarating sa Nagpayong.  Na-stranded kami sa kalye.  Naghanap ng malulusutang daan na hindi pa lumulubog.  Naipit sa trapik ng mga sasakyang ilang oras na ding nakatigil sa daan.  Hatinggabi na kami nakauwi, sina Weng inumaga na.

Si Ondoy ay matagal pa bago natin makalimutan.  Mas matagal sa apat na linggong pamamalagi ng bahang dulot ni Ondoy sa mga naninirahan sa Pasig.  Mas matagal kaysa sa mahigit 8 oras na walang tigil na pag ulan noong araw na iyon.  Mas matagal pa sa mga madilim at mahabang sandali ng paghihintay ng tulong habang natatakot at nangangamba ang mga nasalanta ng bagyo.

Sa tagal ng pananatili ng alaala ni Ondoy sa ating mga kamalayan, gamitin din natin ang panahong yan sa pagsisikap na maintindihan kung bakit may mga Ondoy o unos o bagyo sa ating buhay.

–         May bagyo para gisingin ang natutulog nating kakayahan para makilahok sa paghugis ng ating lipunan.  Di ba, madami ang nag volunteer, naki-alam, tumulong, nagpaka-bayani?

–         May bagyo para sabihin sa atin ng kalikasan na hindi na nya kayang buhatin pa ang mabigat nating mga basura at pagsasawalang bahala sa ating kapaligiran.  Kaya naman, ibinalik ng kalikasan ang mga basura natin…sa loob mismo ng ating mga tahanan.

–         May bagyo at pagbaha para mamulat tayo sa ating mga angking kakayahan, at upang lubos na maunawaan ang kahalagahan ng pagiging responsableng mamamayan.

–         May bagyo para tayo ay matuto.

Ang bagyo, tunay man o metapora sa mga suliranin sa buhay, ay kasangkapan lamang upang ipaalam sa atin ang mga kelangan nating malaman o matagal nang alam pero tila ay binabalewala. 

–         Na lahat tayo ay may angking kakayahang tumulong sa kapwa.  Kelangan lamang ay panatilihing buhay ang ispirit ng boluntarismo at pakikilahok – bilang propesyonal, bilang negosyante, bilang isang mamamayan. Lahat tayo ay humuhugis sa ating lipunan; nagpapanday sa ating kinabukasan.  Walang sisihan.  Pero wala din dapat lamangan. 

 –         Na lahat tayo ay may pananagutan sa kalikasan.  Kaya dapat tamang sakto lang ang paggamit sa enerhiya, tubig, kahoy, gasolina, papel, hangin, bakal at iba pang likas na yaman. 

 –         Na hindi na natin kelangan ng isa pang bagyo para alamin ulit ang aralin o lessons sa mga sakunang pwede naman talagang maiwasan.

Ganyan din sa buhay mangangalakal o negosyante o namumuhunan di ba?  Kelangan tapat sa mga suki at mamimili; kelangan responsable sa mga kalat o basura at gumagamit ng mga materyales na angkop at hindi nakakasakit sa kalikasan o sa lipunan.

Sa mga VA, ito ay hamon din para sa atin na rumisponde hindi lamang sa mga oras ng kagipitan.  Mas makatutulong tayo kung maging instrumento tayo ng wastong pagnenegosyo – handa, tapat, malinis at may silbi sa kapwa. 

Bilang pagtatapos, maraming salamat sa PBSP sa mga pagkakataong ibinigay nyo sa amin upang maging kapaki-pakinabang.  Sana ay madami pa tayong matutulungan.

Tag ulan na ulit.  Madalas na naman ang bagyo at ang pagbaha.  Sana ngayon ay mas handa na tayo.  Maraming salamat po.

Interested to volunteer as Business Advisor?  Click here.

6 comments on “Honored

  1. Hotkeno says:

    Let’s fight poverty!

  2. Kerslyn says:

    congrats Arnold!!!!🙂 pwedeng-pwede ka na mag-deliver ng SONA…in 2016?

  3. grich says:

    Congratulations Not! =) Ngayon ko lang nabasa to, di mo pinost sa FB eh! *applause*

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s